Mateo 11

Pumunta ba kayo roon para makita ang isang taong magara ang pananamit? Ang mga taong magara ang pananamit ay sa palasyo ng mga hari ninyo makikita.

Matthew 11:8 (UKJV) But what went all of you out in order to see? A man clothed in soft raiment? behold, they that wear soft clothing are in kings' houses.

6Mapalad ang taong hindi nagdududa sa akin.”

7Pagkaalis ng mga alagad ni Juan, nagtanong si Hesus sa mga tao, “Noong pumunta kayo kay Juan sa ilang, ano ang inaasahan ninyong makita? Isa bang taong tulad ng tambo na humahapay sa ihip ng hangin?

8Pumunta ba kayo roon para makita ang isang taong magara ang pananamit? Ang mga taong magara ang pananamit ay sa palasyo ng mga hari ninyo makikita.

9Pumunta kayo roon para makita ang isang propeta, hindi ba? Totoo, isa nga siyang propeta. At sinasabi ko sa inyo, higit pa siya sa isang propeta.

10Siya ang binabanggit ng Diyos sa Kasulatan: ‘Ipapadala ko ang aking mensahero. Mauuna siya sa iyo para ihanda ang dadaanan mo.’

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.