Mateo 11

Pumunta kayo roon para makita ang isang propeta, hindi ba? Totoo, isa nga siyang propeta. At sinasabi ko sa inyo, higit pa siya sa isang propeta.

Matthew 11:9 (UKJV) But what went all of you out in order to see? A prophet? yea, I say unto you, and more than a prophet.

7Pagkaalis ng mga alagad ni Juan, nagtanong si Hesus sa mga tao, “Noong pumunta kayo kay Juan sa ilang, ano ang inaasahan ninyong makita? Isa bang taong tulad ng tambo na humahapay sa ihip ng hangin?

8Pumunta ba kayo roon para makita ang isang taong magara ang pananamit? Ang mga taong magara ang pananamit ay sa palasyo ng mga hari ninyo makikita.

9Pumunta kayo roon para makita ang isang propeta, hindi ba? Totoo, isa nga siyang propeta. At sinasabi ko sa inyo, higit pa siya sa isang propeta.

10Siya ang binabanggit ng Diyos sa Kasulatan: ‘Ipapadala ko ang aking mensahero. Mauuna siya sa iyo para ihanda ang dadaanan mo.’

11Sinasabi ko sa inyo ang totoo, walang taong isinilang na mas dakila pa kay Juan na Tagapagbautismo. Ngunit ang pinakahamak sa mga taong kabilang sa kaharian ng Langit ay mas dakila pa sa kanya.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.