Mateo 12

Sinabi ni Hesus sa kanila, “Halimbawa, may tupa kayong nahulog sa balon sa Araw ng Pamamahinga, pababayaan na lang ba ninyo? Hindi ba ninyo iaahon?

Matthew 12:11 (UKJV) And he said unto them, What man shall there be among you, that shall have one sheep, and if it fall into a pit on the sabbath day, will he not lay hold on it, and lift it out?

9Mula sa lugar na iyon, pumunta si Hesus sa sinagoga

10at may lalaki roon na paralisado ang isang kamay. Naroroon din ang mga Pariseo na naghahanap ng maipaparatang kay Hesus, kaya tinanong nila si Hesus, “Ipinapahintulot ba sa Kautusan ang magpagaling sa Araw ng Pamamahinga?”

11Sinabi ni Hesus sa kanila, “Halimbawa, may tupa kayong nahulog sa balon sa Araw ng Pamamahinga, pababayaan na lang ba ninyo? Hindi ba ninyo iaahon?

12Higit pang mahalaga ang tao kaysa sa tupa! Kaya nga ipinapahintulot sa Kautusan ang paggawa ng mabuti sa Araw ng Pamamahinga.”

13Pagkatapos, sinabi ni Hesus sa lalaking paralisado ang kamay, “Iunat mo ang iyong kamay!” Iniunat nga niya ang kanyang kamay at gumaling ito.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.