7Sapagkat ang Anak ng Tao ang siyang Panginoon ng Araw ng Pamamahinga. Kung alam lang sana ninyo ang ibig sabihin ng sinasabi ng Kasulatan, ‘Hindi ang handog ninyo ang hinahangad ko kundi ang maging maawain kayo,’ hindi sana ninyo hinatulan ang mga taong walang kasalanan.”
9Mula sa lugar na iyon, pumunta si Hesus sa sinagoga
10at may lalaki roon na paralisado ang isang kamay. Naroroon din ang mga Pariseo na naghahanap ng maipaparatang kay Hesus, kaya tinanong nila si Hesus, “Ipinapahintulot ba sa Kautusan ang magpagaling sa Araw ng Pamamahinga?”
11Sinabi ni Hesus sa kanila, “Halimbawa, may tupa kayong nahulog sa balon sa Araw ng Pamamahinga, pababayaan na lang ba ninyo? Hindi ba ninyo iaahon?