Mateo 12

Sinasabi ko sa inyo na ang lahat ng kasalanan at paglapastangan ay mapapatawad, ngunit ang paglapastangan sa Espiritu ay hindi mapapatawad.

Matthew 12:31 (UKJV) Wherefore I say unto you, All manner of sin and blasphemy shall be forgiven unto men: but the blasphemy against the Holy Spirit shall not be forgiven unto men.

29“Hindi maaaring pasukin ng magnanakaw ang bahay ng malakas na tao kung hindi muna niya ito gagapusin. Ngunit kapag naigapos na niya, maaari na niyang nakawan ang bahay nito.

30“Ang hindi kumakampi sa akin ay laban sa akin, at ang hindi tumutulong sa aking pagtitipon ay nagkakalat.

31Sinasabi ko sa inyo na ang lahat ng kasalanan at paglapastangan ay mapapatawad, ngunit ang paglapastangan sa Espiritu ay hindi mapapatawad.

32Ang sinumang magsalita laban sa Anak ng Tao ay mapapatawad, ngunit ang sinumang magsalita laban sa Banal na Espiritu ay hindi mapapatawad kailanman.

33“Nakikilala ang puno sa bunga nito. Kung mabuti ang puno, mabuti rin ang bunga nito. Kung masama ang puno, masama rin ang bunga nito.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.