Mateo 12

May ilang mga tagapagturo ng Kautusan at mga Pariseo na nagsabi kay Hesus, “Guro, pakitaan nʼyo kami ng isang tanda magpapatunay na sugo nga kayo ng Diyos.”

Matthew 12:38 (UKJV) Then certain of the scribes and of the Pharisees answered, saying, Master, we would see a sign from you.

36Sinasabi ko sa inyo na sa Araw ng Paghuhukom, mananagot ang bawat isa sa mga walang kuwentang salitang binitiwan niya.

37Sapagkat ibabatay sa mga salita ninyo kung paparusahan kayo o hindi.”

38May ilang mga tagapagturo ng Kautusan at mga Pariseo na nagsabi kay Hesus, “Guro, pakitaan nʼyo kami ng isang tanda magpapatunay na sugo nga kayo ng Diyos.”

39Sumagot si Hesus, “Tanging ang henerasyon ng masasama at hindi tapat sa Diyos ang nanghihingi ng isang tanda. Ngunit walang ipapakita sa kanila maliban sa tandang katulad ng nangyari kay Propeta Jonas.

40Kung paanong nasa tiyan ng dambuhalang isda si Jonas sa loob ng tatlong araw at tatlong gabi, ganoon din naman ang mangyayari sa Anak ng Tao. Tatlong araw at tatlong gabi rin siya sa ilalim ng lupa.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.