Mateo 12

Kung paanong nasa tiyan ng dambuhalang isda si Jonas sa loob ng tatlong araw at tatlong gabi, ganoon din naman ang mangyayari sa Anak ng Tao. Tatlong araw at tatlong gabi rin siya sa ilalim ng lupa.

Matthew 12:40 (UKJV) For as Jonas was three days and three nights in the whale's belly; so shall the Son of man be three days and three nights in the heart of the earth.

38May ilang mga tagapagturo ng Kautusan at mga Pariseo na nagsabi kay Hesus, “Guro, pakitaan nʼyo kami ng isang tanda magpapatunay na sugo nga kayo ng Diyos.”

39Sumagot si Hesus, “Tanging ang henerasyon ng masasama at hindi tapat sa Diyos ang nanghihingi ng isang tanda. Ngunit walang ipapakita sa kanila maliban sa tandang katulad ng nangyari kay Propeta Jonas.

40Kung paanong nasa tiyan ng dambuhalang isda si Jonas sa loob ng tatlong araw at tatlong gabi, ganoon din naman ang mangyayari sa Anak ng Tao. Tatlong araw at tatlong gabi rin siya sa ilalim ng lupa.

41Sa Araw ng Paghuhukom, tatayo ang mga taga-Nineve at kokondenahin ang henerasyong ito, dahil nagsisi sila nang mangaral sa kanila si Jonas. At ngayon, narito ang higit pa kay Jonas, na nangangaral sa inyo, ngunit ayaw nʼyong magsisi.

42Maging ang Reyna ng Timog ay tatayo rin at kokondenahin ang henerasyong ito. Sapagkat nanggaling pa siya sa napakalayong lugar para makinig sa karunungan ni Solomon. At ngayon, narito ang higit pa kay Solomon, ngunit ayaw ninyong makinig sa kanya.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.