Mateo 13

Sapagkat matigas ang puso ng mga taong ito. Hindi nakakarinig ang kanilang mga tainga, at ipinikit nila ang kanilang mga mata, dahil baka makakita sila at makarinig, at maunawaan kung ano ang tama, at magbalik-loob sila sa akin, at pagalingin ko sila.’

Matthew 13:15 (UKJV) For this people's heart is waxed gross, and their ears are dull of hearing, and their eyes they have closed; lest at any time they should see with their eyes and hear with their ears, and should understand with their heart, and should be converted, and I should heal them.

13Kaya nagsasalita ako sa kanila sa pamamagitan ng talinghaga, dahil tumitingin sila ngunit hindi nakakakita, at nakikinig ngunit hindi naman nakakarinig o nakakaunawa.

14Sa kanila natupad ang sinabi noon ni Isaias: ‘Makinig man kayo nang makinig, hindi kayo makakaunawa. Tumingin man kayo nang tumingin, hindi kayo makakakita.

15Sapagkat matigas ang puso ng mga taong ito. Hindi nakakarinig ang kanilang mga tainga, at ipinikit nila ang kanilang mga mata, dahil baka makakita sila at makarinig, at maunawaan kung ano ang tama, at magbalik-loob sila sa akin, at pagalingin ko sila.’

16Ngunit mapalad kayo, dahil nakakakita kayo at nakakaunawa.

17Sinasabi ko sa inyo ang totoo, maraming propeta at matutuwid na tao noon ang naghangad na makita at marinig ang nakikita at naririnig ninyo ngayon, ngunit hindi ito nangyari sa kanilang panahon.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.