48Nang mapuno ang lambat, hinila nila ito papunta sa dalampasigan. Pagkatapos, naupo sila para pagbukud-bukurin ang mga isda. Ang mabubuting isda ay inilagay nila sa mga basket, at ang mga walang kuwenta ay itinapon nila.
49Ganyan din ang mangyayari sa katapusan ng mundo. Darating ang mga anghel at ihihiwalay nila ang masasama sa matutuwid.
50Itatapon ang masasama sa nagliliyab na apoy, at dooʼy iiyak sila at magngangalit ang kanilang ngipin.”
51Pagkatapos, tinanong sila ni Hesus, “Naunawaan ba ninyong lahat ang sinabi ko?” Sumagot sila, “Opo.”
52At sinabi ni Hesus sa kanila, “Kaya nga, ang bawat tagapagturo ng Kautusan na natuto tungkol sa kaharian ng Langit ay maihahalintulad sa isang may-ari ng bahay na inilalabas mula sa kanyang bodega ang mga kayamanang bago at luma.”