55Hindi baʼt anak siya ng karpintero? Hindi baʼt si Maria ang kanyang ina at ang mga kapatid niya ay sina Santiago, Jose, Simon, at Judas?
56Hindi baʼt ang lahat ng kapatid niyang babae ay dito rin nakatira sa atin? Saan niya nakuha ang ganyang kakayahan?”
57At hindi nila siya pinaniwalaan. Kaya sinabi ni Hesus sa kanila, “Ang isang propeta ay iginagalang kahit saan, maliban lang sa sarili niyang bayan at pamilya.”
58Kaya hindi gumawa si Hesus ng maraming himala roon dahil sa kawalan nila ng pananampalataya sa kanya.