Mateo 14

Sa oras na iyon, malayo na ang bangkang sinasakyan ng mga alagad niya. Sinasalpok ng malalaking alon ang bangka nila dahil pasalungat ito sa hangin.

Matthew 14:24 (UKJV) But the ship was now in the midst of the sea, tossed with waves: for the wind was contrary.

22Pagkatapos, pinasakay agad ni Hesus sa bangka ang mga alagad niya at pinauna sa kabila ng lawa, habang pinapauwi niya ang mga tao.

23Nang makaalis na ang mga tao, umakyat siyang mag-isa sa isang bundok para manalangin. Inabot na siya roon ng gabi.

24Sa oras na iyon, malayo na ang bangkang sinasakyan ng mga alagad niya. Sinasalpok ng malalaking alon ang bangka nila dahil pasalungat ito sa hangin.

25Nang madaling-araw na, sumunod sa kanila si Hesus na naglalakad sa ibabaw ng tubig.

26Pagkakita ng mga alagad na may naglalakad sa tubig, kinilabutan sila. At napasigaw sila ng “Multo!” dahil sa matinding takot.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.