Mateo 14

Pagkakita ng mga alagad na may naglalakad sa tubig, kinilabutan sila. At napasigaw sila ng “Multo!” dahil sa matinding takot.

Matthew 14:26 (UKJV) And when the disciples saw him walking on the sea, they were troubled, saying, It is a spirit; and they cried out for fear.

24Sa oras na iyon, malayo na ang bangkang sinasakyan ng mga alagad niya. Sinasalpok ng malalaking alon ang bangka nila dahil pasalungat ito sa hangin.

25Nang madaling-araw na, sumunod sa kanila si Hesus na naglalakad sa ibabaw ng tubig.

26Pagkakita ng mga alagad na may naglalakad sa tubig, kinilabutan sila. At napasigaw sila ng “Multo!” dahil sa matinding takot.

27Ngunit agad na nagsalita si Hesus, “Huwag kayong matakot. Ako ito! Lakasan ninyo ang inyong loob.”

28Sumagot si Pedro sa kanya, “Panginoon, kung kayo nga iyan, papuntahin nʼyo ako diyan na naglalakad din sa tubig.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.