Mateo 14

Sumagot si Pedro sa kanya, “Panginoon, kung kayo nga iyan, papuntahin nʼyo ako diyan na naglalakad din sa tubig.”

Matthew 14:28 (UKJV) And Peter answered him and said, Lord, if it be you, bid me come unto you on the water.

26Pagkakita ng mga alagad na may naglalakad sa tubig, kinilabutan sila. At napasigaw sila ng “Multo!” dahil sa matinding takot.

27Ngunit agad na nagsalita si Hesus, “Huwag kayong matakot. Ako ito! Lakasan ninyo ang inyong loob.”

28Sumagot si Pedro sa kanya, “Panginoon, kung kayo nga iyan, papuntahin nʼyo ako diyan na naglalakad din sa tubig.”

29“Halika,” sabi ni Hesus. Kaya bumaba si Pedro sa bangka at naglakad sa tubig patungo kay Hesus.

30Ngunit nang mapansin niyang malakas ang hangin, natakot siya at unti-unting lumubog. Kaya sumigaw siya, “Panginoon, iligtas nʼyo ako!”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.