Mateo 14

Sapagkat ipinadakip noon ni Herodes si Juan. Ipinagapos at ipinabilanggo niya ito dahil kay Herodias na asawa ng kapatid niyang si Felipe.

Matthew 14:3 (UKJV) For Herod had laid hold on John, and bound him, and put him in prison for Herodias' sake, his brother Philip's wife.

1Nang panahong iyon, nabalitaan ni Herodes na pinuno ng Galilea ang tungkol kay Hesus.

2Sinabi niya sa kanyang mga opisyal, “Siyaʼy si Juan na Tagapagbautismo! Muli siyang nabuhay, kaya nakagagawa siya ng mga himala.”

3Sapagkat ipinadakip noon ni Herodes si Juan. Ipinagapos at ipinabilanggo niya ito dahil kay Herodias na asawa ng kapatid niyang si Felipe.

4Palaging sinasabihan ni Juan noon si Herodes, “Labag sa Kautusan na gawin mo siyang asawa.”

5Gusto sanang ipapatay ni Herodes si Juan ngunit natakot siya sa mga Hudyo dahil itinuturing nilang propeta si Juan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.