Mateo 14

Sinabi niya sa kanyang mga opisyal, “Siyaʼy si Juan na Tagapagbautismo! Muli siyang nabuhay, kaya nakagagawa siya ng mga himala.”

Matthew 14:2 (UKJV) And said unto his servants, This is John the Baptist; he has risen from the dead; and therefore mighty works do show forth themselves in him.

1Nang panahong iyon, nabalitaan ni Herodes na pinuno ng Galilea ang tungkol kay Hesus.

2Sinabi niya sa kanyang mga opisyal, “Siyaʼy si Juan na Tagapagbautismo! Muli siyang nabuhay, kaya nakagagawa siya ng mga himala.”

3Sapagkat ipinadakip noon ni Herodes si Juan. Ipinagapos at ipinabilanggo niya ito dahil kay Herodias na asawa ng kapatid niyang si Felipe.

4Palaging sinasabihan ni Juan noon si Herodes, “Labag sa Kautusan na gawin mo siyang asawa.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.