9Ang pagsamba nila sa akiʼy walang kabuluhan; pawang tuntunin ng tao ang kanilang katuruan.’ ”
10Tinawag ni Hesus ang mga tao at sinabi sa kanila, “Makinig kayo at unawain ang sasabihin ko.
11Hindi ang pumapasok sa bibig ng tao ang nagpaparumi sa kanya kundi ang mga lumalabas dito.”
12Pagkatapos ay lumapit sa kanya ang mga alagad at tinanong siya, “Alam nʼyo po bang nasaktan ang mga Pariseo dahil sa mga sinabi ninyo?”
13Sumagot siya, “Lahat ng halamang hindi itinanim ng aking Amang nasa langit ay bubunutin.