Mateo 15

Ang pagsamba nila sa akiʼy walang kabuluhan; pawang tuntunin ng tao ang kanilang katuruan.’ ”

Matthew 15:9 (UKJV) But in vain they do worship me, teaching for doctrines the commandments of men.

7Mga pakitang-tao! Tamang-tama ang sinabi ng Diyos tungkol sa inyo sa pamamagitan ni Isaias:

8‘Iginagalang ako ng mga taong ito sa mga labi lang nila, ngunit malayo sa akin ang kanilang mga puso.

9Ang pagsamba nila sa akiʼy walang kabuluhan; pawang tuntunin ng tao ang kanilang katuruan.’ ”

10Tinawag ni Hesus ang mga tao at sinabi sa kanila, “Makinig kayo at unawain ang sasabihin ko.

11Hindi ang pumapasok sa bibig ng tao ang nagpaparumi sa kanya kundi ang mga lumalabas dito.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.