5Ngunit itinuturo naman ninyo na kapag sinabi ng isang anak sa kanyang mga magulang na ang tulong na ibibigay niya sana sa kanila ay nakalaan na sa Diyos,
6hindi na niya kailangang tumulong sa kanila. Pinawawalang-halaga ninyo ang utos ng Diyos dahil sa inyong mga tradisyon.
7Mga pakitang-tao! Tamang-tama ang sinabi ng Diyos tungkol sa inyo sa pamamagitan ni Isaias:
8‘Iginagalang ako ng mga taong ito sa mga labi lang nila, ngunit malayo sa akin ang kanilang mga puso.
9Ang pagsamba nila sa akiʼy walang kabuluhan; pawang tuntunin ng tao ang kanilang katuruan.’ ”