1Pagkatapos noon, lumapit kay Hesus ang ilang mga Pariseo at mga tagapagturo ng Kautusan galing sa Jerusalem. Tinanong nila si Hesus,
2“Bakit nilalabag ng iyong mga alagad ang kaugalian ng ating mga ninuno? Hindi sila naghuhugas ng kamay bago kumain.”
3Sumagot si Hesus, “At kayo din naman, bakit ninyo nilalabag ang utos ng Diyos dahil sa inyong mga tradisyon?
4Halimbawa, sinabi ng Diyos, ‘Igalang ninyo ang inyong mga magulang,’ at ‘Ang lumalapastangan sa kanyang mga magulang ay dapat patayin.’