Mateo 15

Halimbawa, sinabi ng Diyos, ‘Igalang ninyo ang inyong mga magulang,’ at ‘Ang lumalapastangan sa kanyang mga magulang ay dapat patayin.’

Matthew 15:4 (UKJV) For God commanded, saying, Honour your father and mother: and, He that curses father or mother, let him die the death.

2“Bakit nilalabag ng iyong mga alagad ang kaugalian ng ating mga ninuno? Hindi sila naghuhugas ng kamay bago kumain.”

3Sumagot si Hesus, “At kayo din naman, bakit ninyo nilalabag ang utos ng Diyos dahil sa inyong mga tradisyon?

4Halimbawa, sinabi ng Diyos, ‘Igalang ninyo ang inyong mga magulang,’ at ‘Ang lumalapastangan sa kanyang mga magulang ay dapat patayin.’

5Ngunit itinuturo naman ninyo na kapag sinabi ng isang anak sa kanyang mga magulang na ang tulong na ibibigay niya sana sa kanila ay nakalaan na sa Diyos,

6hindi na niya kailangang tumulong sa kanila. Pinawawalang-halaga ninyo ang utos ng Diyos dahil sa inyong mga tradisyon.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.