Mateo 15

At sinabi sa kanya ni Hesus, “Napakalaki ng iyong pananampalataya! Matutupad ang hinihiling mo.” At sa sandaling iyon ay gumaling ang anak ng babae.

Matthew 15:28 (UKJV) Then Jesus answered and said unto her, O woman, great is your faith: be it unto you even as you will. And her daughter was made whole from that very hour.

26Sinagot siya ni Hesus, “Hindi tamang kunin ang pagkain ng mga anak at ihagis sa mga aso.”

27Sumagot naman ang babae, “Tama po kayo, Panginoon, ngunit kahit ang mga aso ay kumakain ng mga tirang nahuhulog mula sa mesa ng kanilang amo.”

28At sinabi sa kanya ni Hesus, “Napakalaki ng iyong pananampalataya! Matutupad ang hinihiling mo.” At sa sandaling iyon ay gumaling ang anak ng babae.

29Mula roon, pumunta si Hesus sa tabi ng Lawa ng Galilea. Pagkatapos, umakyat siya sa bundok at naupo roon.

30Maraming tao ang pumunta sa kanya na may dalang mga pilay, bulag, paralitiko, pipi, at marami pang mga may sakit. Inilapit sila sa paanan ni Hesus at pinagaling niya silang lahat.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.