30Maraming tao ang pumunta sa kanya na may dalang mga pilay, bulag, paralitiko, pipi, at marami pang mga may sakit. Inilapit sila sa paanan ni Hesus at pinagaling niya silang lahat.
31Namangha nang husto ang mga tao nang makita nilang nakakapagsalita ang mga pipi, gumaling ang mga paralitiko, nakakalakad ang mga pilay, at nakakakita ang mga bulag. Kaya pinuri nila ang Diyos ng Israel.
32Tinawag ni Hesus ang kanyang mga alagad at sinabi, “Naaawa ako sa mga taong ito. Tatlong araw ko na silang kasama at wala na silang makain. Ayaw kong pauwiin sila nang gutom at mahihilo sila sa daan.”
33Sumagot ang kanyang mga alagad, “Saan po tayo kukuha ng sapat na pagkain dito sa ilang para sa ganito karaming tao?”
34Tinanong sila ni Hesus, “Ilan ang tinapay nʼyo diyan?” Sinabi nila, “Pito po, at ilang maliliit na isda.”