Mateo 15

Sumagot ang kanyang mga alagad, “Saan po tayo kukuha ng sapat na pagkain dito sa ilang para sa ganito karaming tao?”

Matthew 15:33 (UKJV) And his disciples say unto him, Whence should we have so much bread in the wilderness, as to fill so great a multitude?

31Namangha nang husto ang mga tao nang makita nilang nakakapagsalita ang mga pipi, gumaling ang mga paralitiko, nakakalakad ang mga pilay, at nakakakita ang mga bulag. Kaya pinuri nila ang Diyos ng Israel.

32Tinawag ni Hesus ang kanyang mga alagad at sinabi, “Naaawa ako sa mga taong ito. Tatlong araw ko na silang kasama at wala na silang makain. Ayaw kong pauwiin sila nang gutom at mahihilo sila sa daan.”

33Sumagot ang kanyang mga alagad, “Saan po tayo kukuha ng sapat na pagkain dito sa ilang para sa ganito karaming tao?”

34Tinanong sila ni Hesus, “Ilan ang tinapay nʼyo diyan?” Sinabi nila, “Pito po, at ilang maliliit na isda.”

35Pinaupo ni Hesus ang mga tao.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.