Mateo 17

Kaya tinanong siya ng kanyang mga alagad, “Bakit sinasabi po ng mga tagapagturo ng Kautusan na kailangan daw munang dumating si Elias bago dumating ang Mesias?”

Matthew 17:10 (UKJV) And his disciples asked him, saying, Why then say the scribes that Elijah must first come?

8Pagtingin nila, wala na silang ibang nakita kundi si Hesus na lang.

9Nang pababa na sila sa bundok, sinabihan sila ni Hesus, “Huwag ninyong sasabihin kahit kanino ang inyong nakita hanggaʼt ang Anak ng Tao ay hindi pa muling binubuhay.”

10Kaya tinanong siya ng kanyang mga alagad, “Bakit sinasabi po ng mga tagapagturo ng Kautusan na kailangan daw munang dumating si Elias bago dumating ang Mesias?”

11Sumagot si Hesus, “Totoo ʼyan, kailangan ngang dumating muna si Elias para ihanda ang lahat ng bagay.

12Ngunit sinasabi ko sa inyo: dumating na si Elias. Kaya lang hindi siya nakilala ng mga tao at ginawa nila ang gusto nilang gawin sa kanya. Ganyan din ang gagawin nila sa Anak ng Tao, pahihirapan din nila.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.