Mateo 17

Ngunit sinasabi ko sa inyo: dumating na si Elias. Kaya lang hindi siya nakilala ng mga tao at ginawa nila ang gusto nilang gawin sa kanya. Ganyan din ang gagawin nila sa Anak ng Tao, pahihirapan din nila.”

Matthew 17:12 (UKJV) But I say unto you, That Elijah has come already, and they knew him not, but have done unto him whatsoever they listed. Likewise shall also the Son of man suffer of them.

10Kaya tinanong siya ng kanyang mga alagad, “Bakit sinasabi po ng mga tagapagturo ng Kautusan na kailangan daw munang dumating si Elias bago dumating ang Mesias?”

11Sumagot si Hesus, “Totoo ʼyan, kailangan ngang dumating muna si Elias para ihanda ang lahat ng bagay.

12Ngunit sinasabi ko sa inyo: dumating na si Elias. Kaya lang hindi siya nakilala ng mga tao at ginawa nila ang gusto nilang gawin sa kanya. Ganyan din ang gagawin nila sa Anak ng Tao, pahihirapan din nila.”

13At naunawaan ng mga alagad niya na ang tinutukoy niyaʼy si Juan na Tagapagbautismo.

14Pagbalik nina Hesus sa kinaroroonan ng maraming tao, lumapit sa kanya ang isang lalaki, lumuhod ito sa kanyang harapan at sinabi,

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.