18Sinaway ni Hesus ang masamáng espiritu at lumabas ito sa bata. At gumaling ang bata noon din.
19Nang sila-sila na lang, lumapit kay Hesus ang kanyang mga alagad at nagtanong, “Bakit hindi po namin mapalayas ang demonyo?”
20Sumagot si Hesus, “Dahil mahina ang pananampalataya ninyo. Sinasabi ko sa inyo ang totoo, kung may pananampalataya kayo na kahit kasinlaki lang ng buto ng mustasa, masasabi ninyo sa bundok na ito, ‘Lumipat ka roon!’ at lilipat nga ito. Walang bagay na hindi ninyo magagawa. [
21Ngunit ang ganoong uri ng demonyo ay mapapalayas lang sa pamamagitan ng panalangin at pag-ayuno.]”
22Habang nagtitipon sina Hesus at ang mga alagad niya sa Galilea, sinabi ni Hesus sa kanila, “Ang Anak ng Tao ay ipagkakanulo sa kamay ng mga tao.