Mateo 17

Habang nagtitipon sina Hesus at ang mga alagad niya sa Galilea, sinabi ni Hesus sa kanila, “Ang Anak ng Tao ay ipagkakanulo sa kamay ng mga tao.

Matthew 17:22 (UKJV) And while they abode in Galilee, Jesus said unto them, The Son of man shall be betrayed into the hands of men:

20Sumagot si Hesus, “Dahil mahina ang pananampalataya ninyo. Sinasabi ko sa inyo ang totoo, kung may pananampalataya kayo na kahit kasinlaki lang ng buto ng mustasa, masasabi ninyo sa bundok na ito, ‘Lumipat ka roon!’ at lilipat nga ito. Walang bagay na hindi ninyo magagawa. [

21Ngunit ang ganoong uri ng demonyo ay mapapalayas lang sa pamamagitan ng panalangin at pag-ayuno.]”

22Habang nagtitipon sina Hesus at ang mga alagad niya sa Galilea, sinabi ni Hesus sa kanila, “Ang Anak ng Tao ay ipagkakanulo sa kamay ng mga tao.

23Papatayin siya, ngunit mabubuhay siyang muli sa ikatlong araw.” At labis itong ikinalungkot ng mga alagad ni Hesus.

24Pagdating nila sa Capernaum, lumapit kay Pedro ang mga maniningil ng buwis at nagtanong, “Nagbabayad ba ng buwis para sa Templo ang inyong guro?”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.