Mateo 17

Pagdating nila sa Capernaum, lumapit kay Pedro ang mga maniningil ng buwis at nagtanong, “Nagbabayad ba ng buwis para sa Templo ang inyong guro?”

Matthew 17:24 (UKJV) And when they were come to Capernaum, they that received tribute money came to Peter, and said, Does not your master pay tribute?

22Habang nagtitipon sina Hesus at ang mga alagad niya sa Galilea, sinabi ni Hesus sa kanila, “Ang Anak ng Tao ay ipagkakanulo sa kamay ng mga tao.

23Papatayin siya, ngunit mabubuhay siyang muli sa ikatlong araw.” At labis itong ikinalungkot ng mga alagad ni Hesus.

24Pagdating nila sa Capernaum, lumapit kay Pedro ang mga maniningil ng buwis at nagtanong, “Nagbabayad ba ng buwis para sa Templo ang inyong guro?”

25Sumagot si Pedro, “Oo, nagbabayad siya.” Nang makabalik si Pedro sa tinutuluyan nila, tinanong siya ni Hesus, “Ano sa palagay mo, Pedro? Kanino nangongolekta ng mga buwis ang mga hari, sa mga anak nila o sa ibang tao?”

26Sumagot si Pedro, “Sa ibang tao po.” Sinabi ni Hesus, “Kung ganoon, nangangahulugan na hindi kailangang magbayad ng buwis ang mga anak.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.