10“Tiyakin ninyong hindi nʼyo hahamakin ang kahit isa sa maliliit na batang ito, dahil tandaan nʼyo: Ang mga anghel na nagbabantay sa kanila ay laging nasa harapan ng aking Ama sa langit. [
11Sapagkat ang Anak ng Tao ay naparito sa mundo para iligtas ang mga naliligaw.]
12“Ano sa palagay ninyo? Kung ang isang tao ay may isang daang tupa at nawala ang isa, hindi baʼt iiwan niya ang siyamnapuʼt siyam sa burol at hahanapin ang nawawala?
13Sinasabi ko sa inyo ang totoo, kapag nakita na niya ang nawalang tupa, mas matutuwa pa siya rito kaysa sa siyamnapuʼt siyam na hindi nawala.
14Ganito rin naman ang nararamdaman ng inyong Amang nasa langit. Ayaw niyang mapahamak ang kahit isa sa maliliit na batang ito.