Mateo 18

Sinasabi ko sa inyo ang totoo, kapag nakita na niya ang nawalang tupa, mas matutuwa pa siya rito kaysa sa siyamnapuʼt siyam na hindi nawala.

Matthew 18:13 (UKJV) And if so be that he find it, verily I say unto you, he rejoices more of that sheep, than of the ninety and nine which went not astray.

11Sapagkat ang Anak ng Tao ay naparito sa mundo para iligtas ang mga naliligaw.]

12“Ano sa palagay ninyo? Kung ang isang tao ay may isang daang tupa at nawala ang isa, hindi baʼt iiwan niya ang siyamnapuʼt siyam sa burol at hahanapin ang nawawala?

13Sinasabi ko sa inyo ang totoo, kapag nakita na niya ang nawalang tupa, mas matutuwa pa siya rito kaysa sa siyamnapuʼt siyam na hindi nawala.

14Ganito rin naman ang nararamdaman ng inyong Amang nasa langit. Ayaw niyang mapahamak ang kahit isa sa maliliit na batang ito.

15“Kung magkasala sa iyo ang iyong kapatid, puntahan mo siya at kausapin nang sarilinan. Pagsabihan mo siya tungkol sa ginawa niya. Kung makikinig siya sa iyo, magkakaayos kayong muli at mapapanumbalik ang inyong magandang samahan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.