Mateo 18

“Nakakaawa ang mundong ito dahil sa mga bagay na naging dahilan ng pagkakasala ng mga tao. Kung sabagay, dumarating naman talaga ang mga ito, ngunit mas nakakaawa ang taong nagiging dahilan ng pagkakasala ng kanyang kapwa.

Matthew 18:7 (UKJV) Woe unto the world because of offences! for it must essentially be that offences come; but woe to that man by whom the offence comes!

5At ang sinumang tumatanggap sa batang tulad nito dahil sa akin ay tumatanggap din sa akin.

6“Ngunit ang sinumang magiging dahilan ng pagkakasala ng maski isa sa maliliit na batang ito na sumasampalataya sa akin ay mabuti pang talian ng gilingang bato sa leeg at lunurin sa pusod ng dagat.

7“Nakakaawa ang mundong ito dahil sa mga bagay na naging dahilan ng pagkakasala ng mga tao. Kung sabagay, dumarating naman talaga ang mga ito, ngunit mas nakakaawa ang taong nagiging dahilan ng pagkakasala ng kanyang kapwa.

8Kaya nga, kung ang kamay o paa mo ang dahilan ng iyong pagkakasala, putulin mo ito at itapon. Mas mainam pang isa lang ang kamay o paa mo ngunit mayroon kang buhay na walang hanggan, kaysa sa dalawa ang kamay o paa mo ngunit itatapon ka naman sa walang hanggang apoy.

9At kung ang mata mo ang dahilan ng iyong pagkakasala, dukitin mo ito at itapon! Mas mabuti pang isa lang ang iyong mata ngunit mayroon kang buhay na walang hanggan, kaysa sa dalawa nga ang iyong mata ngunit itatapon ka naman sa apoy ng impiyerno.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.