Mateo 18

At kung ang mata mo ang dahilan ng iyong pagkakasala, dukitin mo ito at itapon! Mas mabuti pang isa lang ang iyong mata ngunit mayroon kang buhay na walang hanggan, kaysa sa dalawa nga ang iyong mata ngunit itatapon ka naman sa apoy ng impiyerno.

Matthew 18:9 (UKJV) And if yours eye offend you, pluck it out, and cast it from you: it is better for you to enter into life with one eye, rather than having two eyes to be cast into hell fire.

7“Nakakaawa ang mundong ito dahil sa mga bagay na naging dahilan ng pagkakasala ng mga tao. Kung sabagay, dumarating naman talaga ang mga ito, ngunit mas nakakaawa ang taong nagiging dahilan ng pagkakasala ng kanyang kapwa.

8Kaya nga, kung ang kamay o paa mo ang dahilan ng iyong pagkakasala, putulin mo ito at itapon. Mas mainam pang isa lang ang kamay o paa mo ngunit mayroon kang buhay na walang hanggan, kaysa sa dalawa ang kamay o paa mo ngunit itatapon ka naman sa walang hanggang apoy.

9At kung ang mata mo ang dahilan ng iyong pagkakasala, dukitin mo ito at itapon! Mas mabuti pang isa lang ang iyong mata ngunit mayroon kang buhay na walang hanggan, kaysa sa dalawa nga ang iyong mata ngunit itatapon ka naman sa apoy ng impiyerno.

10“Tiyakin ninyong hindi nʼyo hahamakin ang kahit isa sa maliliit na batang ito, dahil tandaan nʼyo: Ang mga anghel na nagbabantay sa kanila ay laging nasa harapan ng aking Ama sa langit. [

11Sapagkat ang Anak ng Tao ay naparito sa mundo para iligtas ang mga naliligaw.]

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.