Mateo 19

May isang lalaki naman na lumapit kay Hesus at nagtanong, “Guro, ano po ang mabuti kong gawin para magkaroon ng buhay na walang hanggan?”

Matthew 19:16 (UKJV) And, behold, one came and said unto him, Good Master, what good thing shall I do, that I may have eternal life?

14Sinabi ni Hesus sa mga alagad niya, “Hayaan ninyong lumapit sa akin ang mga bata. Huwag ninyo silang pigilan, dahil ang mga katulad nila ang makakapasok sa kaharian ng Langit.”

15Ipinatong nga niya ang kanyang kamay sa mga bata at pinagpala niya sila, at pagkatapos nitoʼy umalis siya.

16May isang lalaki naman na lumapit kay Hesus at nagtanong, “Guro, ano po ang mabuti kong gawin para magkaroon ng buhay na walang hanggan?”

17Sumagot si Hesus, “Bakit itinatanong mo sa akin kung ano ang mabuti? Iisa lang ang mabuti, at walang iba kundi ang Diyos. Kung gusto mong magkaroon ng buhay na walang hanggan, sundin mo ang mga utos niya.”

18“Alin po sa mga ito?” tanong ng lalaki. Sumagot si Hesus, “Huwag kang papatay, huwag kang mangangalunya, huwag kang magnanakaw, huwag kang sasaksi ng kasinungalingan,

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.