Mateo 19

“Alin po sa mga ito?” tanong ng lalaki. Sumagot si Hesus, “Huwag kang papatay, huwag kang mangangalunya, huwag kang magnanakaw, huwag kang sasaksi ng kasinungalingan,

Matthew 19:18 (UKJV) He says unto him, Which? Jesus said, You shall do no murder, You shall not commit adultery, You shall not steal, You shall not bear false witness,

16May isang lalaki naman na lumapit kay Hesus at nagtanong, “Guro, ano po ang mabuti kong gawin para magkaroon ng buhay na walang hanggan?”

17Sumagot si Hesus, “Bakit itinatanong mo sa akin kung ano ang mabuti? Iisa lang ang mabuti, at walang iba kundi ang Diyos. Kung gusto mong magkaroon ng buhay na walang hanggan, sundin mo ang mga utos niya.”

18“Alin po sa mga ito?” tanong ng lalaki. Sumagot si Hesus, “Huwag kang papatay, huwag kang mangangalunya, huwag kang magnanakaw, huwag kang sasaksi ng kasinungalingan,

19igalang mo ang iyong mga magulang, at ‘mahalin mo ang kapwa mo tulad ng pagmamahal mo sa iyong sarili.’”

20Sinabi ng lalaki, “Sinusunod ko po ang lahat ng iyan. Ano pa po ang kulang sa akin?”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.