2Maraming tao ang sumunod sa kanya at pinagaling niya sila sa kanilang mga sakit.
3May mga Pariseong pumunta sa kanya para subukin siya. Kaya nagtanong sila, “Ipinapahintulot ba sa Kautusan na hiwalayan ng lalaki ang asawa niya sa kahit anong dahilan?”
4Sumagot si Hesus, “Hindi ba ninyo nabasa sa Kasulatan na sa simula pa lang, nang likhain ng Diyos ang mundo, ‘ginawa niya ang tao na lalaki at babae’?
5At sinabi pa niya, ‘Dahil dito, iiwan ng lalaki ang kanyang amaʼt ina, at magsasama sila ng kanyang asawa. At silang dalawa ay magiging isa.’
6Hindi na sila dalawa kundi isa na lang. Kaya hindi dapat paghiwalayin ng tao ang pinagsama ng Diyos.”