Mateo 20

Nang mag-aalas singko na ng hapon, muli na naman siyang lumabas at nakakita pa ng mga ilan na nakatambay lang. Sinabi niya sa kanila, ‘Bakit maghapon kayong nakatayo diyan at walang ginagawa?’

Matthew 20:6 (UKJV) And about the eleventh hour he went out, and found others standing idle, and says unto them, Why stand all of you here all the day idle?

4Sinabi niya sa kanila, ‘Pumunta kayo sa ubasan ko at magtrabaho. Babayaran ko kayo nang nararapat.’

5Kaya pumunta ang mga ito sa ubasan. “Muli siyang lumabas bandang tanghali at mga alas tres ng hapon, at ganoon din ang ginawa niya.

6Nang mag-aalas singko na ng hapon, muli na naman siyang lumabas at nakakita pa ng mga ilan na nakatambay lang. Sinabi niya sa kanila, ‘Bakit maghapon kayong nakatayo diyan at walang ginagawa?’

7“Sumagot sila, ‘Dahil wala naman pong nagbigay sa amin ng trabaho.’ “Sinabi niya sa kanila, ‘Pumunta kayo sa ubasan ko at magtrabaho.’

8“Nang magtatakip-silim na, sinabi ng may-ari sa kanyang katiwala, ‘Tawagin mo na ang mga manggagawa at bigyan ng sahod. Unahin mo ang mga huling nagtrabaho, hanggang sa mga unang nagtrabaho.’

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.