10Nang pumasok si Hesus sa Jerusalem, nagkagulo ang buong lungsod, at nagtanungan ang mga tao, “Sino ang taong iyan?”
11Sumagot ang mga kasama ni Hesus, “Siya ang propetang si Hesus na taga-Nazaret, na sakop ng Galilea.”
12Pumasok si Hesus sa patyo ng Templo at itinaboy niya ang mga nagtitinda at namimili roon. Itinaob niya ang mga mesa ng mga nagpapalit ng pera at ang mga upuan ng mga nagtitinda ng mga kalapati.
13Sinabi niya sa kanila, “Sinasabi ng Diyos sa Kasulatan, ‘Ang aking bahay ay tatawaging bahay-panalanginan.’ Ngunit ginawa ninyong ‘pugad ng mga tulisan!’”
14May mga bulag at pilay na lumapit kay Hesus doon sa Templo, at pinagaling niya silang lahat.