Mateo 21

Sinabi niya sa kanila, “Sinasabi ng Diyos sa Kasulatan, ‘Ang aking bahay ay tatawaging bahay-panalanginan.’ Ngunit ginawa ninyong ‘pugad ng mga tulisan!’”

Matthew 21:13 (UKJV) And said unto them, It is written, My house shall be called the house of prayer; but all of you have made it a den of thieves.

11Sumagot ang mga kasama ni Hesus, “Siya ang propetang si Hesus na taga-Nazaret, na sakop ng Galilea.”

12Pumasok si Hesus sa patyo ng Templo at itinaboy niya ang mga nagtitinda at namimili roon. Itinaob niya ang mga mesa ng mga nagpapalit ng pera at ang mga upuan ng mga nagtitinda ng mga kalapati.

13Sinabi niya sa kanila, “Sinasabi ng Diyos sa Kasulatan, ‘Ang aking bahay ay tatawaging bahay-panalanginan.’ Ngunit ginawa ninyong ‘pugad ng mga tulisan!’”

14May mga bulag at pilay na lumapit kay Hesus doon sa Templo, at pinagaling niya silang lahat.

15Nagalit ang mga namamahalang pari at mga tagapagturo ng Kautusan nang makita nila ang mga himalang ginawa ni Hesus, at nang marinig nila ang mga batang sumisigaw doon sa Templo ng, “Purihin ang Anak ni David!”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.