16Sinabi nila kay Hesus, “Naririnig mo ba ang sinasabi nila?” Sumagot si Hesus, “Oo. Hindi ba ninyo nabasa ang sinasabi ng Kasulatan? Sinabi doon, Kahit ang mga bata at sanggol ay tinuruan ng Diyos na magpuri sa kanya.”
17Pagkatapos, iniwan sila ni Hesus. Lumabas siya ng lungsod at nagpunta sa Betania, at doon siya nagpalipas ng gabi.
18Kinaumagahan, habang pabalik na sina Hesus sa lungsod ng Jerusalem, nagutom siya.
19May nakita siyang puno ng igos sa tabi ng daan, kaya nilapitan niya ito. Ngunit wala siyang nakitang bunga kundi puro mga dahon. Kaya sinabi niya sa puno, “Hindi ka na mamumunga kailanman!” At agad na natuyo ang puno.
20Namangha ang mga alagad ni Hesus nang makita nila iyon. Sinabi nila, “Paanong natuyo kaagad ang puno?”