2at sinabi, “Pumunta kayo sa susunod na nayon. Pagpasok nʼyo roon, makikita ninyo ang isang asno na nakatali, kasama ang anak nito. Kalagan ninyo ang mga ito at dalhin dito sa akin.
3Kapag may sumita sa inyo, sabihin ninyong kailangan ng Panginoon, at hahayaan na niya kayo.”
4Nangyari ito para matupad ang sinabi ng propeta:
5“Sabihin ninyo sa mga taga-Zion, ‘Makinig kayo! Paparating na ang inyong hari! Mapagpakumbaba siya, at darating na nakasakay sa asno, sa isang bisirong asno.’ ”
6Lumakad nga ang mga alagad at ginawa ang iniutos ni Hesus.