3Kapag may sumita sa inyo, sabihin ninyong kailangan ng Panginoon, at hahayaan na niya kayo.”
4Nangyari ito para matupad ang sinabi ng propeta:
5“Sabihin ninyo sa mga taga-Zion, ‘Makinig kayo! Paparating na ang inyong hari! Mapagpakumbaba siya, at darating na nakasakay sa asno, sa isang bisirong asno.’ ”
6Lumakad nga ang mga alagad at ginawa ang iniutos ni Hesus.
7Dinala nila ang asno at ang anak nito kay Hesus. Sinapinan nila ang mga ito ng kanilang mga balabal at sumakay si Hesus.