5“Sabihin ninyo sa mga taga-Zion, ‘Makinig kayo! Paparating na ang inyong hari! Mapagpakumbaba siya, at darating na nakasakay sa asno, sa isang bisirong asno.’ ”
6Lumakad nga ang mga alagad at ginawa ang iniutos ni Hesus.
7Dinala nila ang asno at ang anak nito kay Hesus. Sinapinan nila ang mga ito ng kanilang mga balabal at sumakay si Hesus.
8Maraming tao ang naglatag ng kanilang mga balabal sa daan. Ang iba naman ay pumutol ng mga sanga ng kahoy at inilatag din sa daan.
9Ang mga tao sa unahan ni Hesus at ang mga nasa hulihan ay sumisigaw, “Purihin ang Anak ni David!” “Pinagpala ang dumarating sa ngalan ng Panginoon!” “Papuri sa Diyos sa kaitaasan!”