Mateo 21

Ang mga tao sa unahan ni Hesus at ang mga nasa hulihan ay sumisigaw, “Purihin ang Anak ni David!” “Pinagpala ang dumarating sa ngalan ng Panginoon!” “Papuri sa Diyos sa kaitaasan!”

Matthew 21:9 (UKJV) And the multitudes that went before, and that followed, cried, saying, Hosanna to the son of David: Blessed is he that comes in the name of the Lord; Hosanna in the highest.

7Dinala nila ang asno at ang anak nito kay Hesus. Sinapinan nila ang mga ito ng kanilang mga balabal at sumakay si Hesus.

8Maraming tao ang naglatag ng kanilang mga balabal sa daan. Ang iba naman ay pumutol ng mga sanga ng kahoy at inilatag din sa daan.

9Ang mga tao sa unahan ni Hesus at ang mga nasa hulihan ay sumisigaw, “Purihin ang Anak ni David!” “Pinagpala ang dumarating sa ngalan ng Panginoon!” “Papuri sa Diyos sa kaitaasan!”

10Nang pumasok si Hesus sa Jerusalem, nagkagulo ang buong lungsod, at nagtanungan ang mga tao, “Sino ang taong iyan?”

11Sumagot ang mga kasama ni Hesus, “Siya ang propetang si Hesus na taga-Nazaret, na sakop ng Galilea.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.