Mateo 21

Ang sinumang mahulog sa batong ito ay magkakabali-bali, at sinumang mahulugan nito ay madudurog.]”

Matthew 21:44 (UKJV) And whosoever shall fall on this stone shall be broken: but on whomsoever it shall fall, it will grind him to powder.

42Sinabi sa kanila ni Hesus, “Hindi ba ninyo nabasa ang sinasabi ng Kasulatan? ‘Ang batong tinanggihan ng mga tagapagtayo ng bahay ang siyang naging batong pundasyon. Gawa ito ng Panginoon at kahanga-hanga ito sa atin!’

43“Kaya tandaan ninyo: Ang kaharian ng Diyos ay kukunin sa inyo at ibibigay sa mga taong sumusunod sa kanyang kalooban. [

44Ang sinumang mahulog sa batong ito ay magkakabali-bali, at sinumang mahulugan nito ay madudurog.]”

45Nang marinig ng mga namamahalang pari at ng mga Pariseo ang talinghagang iyon, alam nilang sila ang tinutukoy ni Hesus.

46Kaya gusto nilang dakpin si Hesus, ngunit natatakot sila sa mga tao na naniniwalang si Hesus ay isang propeta.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.