Mateo 21

Sinabi sa kanila ni Hesus, “Hindi ba ninyo nabasa ang sinasabi ng Kasulatan? ‘Ang batong tinanggihan ng mga tagapagtayo ng bahay ang siyang naging batong pundasyon. Gawa ito ng Panginoon at kahanga-hanga ito sa atin!’

Matthew 21:42 (UKJV) Jesus says unto them, Did all of you never read in the scriptures, The stone which the builders rejected, the same is become the head of the corner: this is the Lord's doing, and it is marvellous in our eyes?

40“Ano kaya sa palagay ninyo ang gagawin ng may-ari sa kanyang pagbabalik?”

41Sumagot ang mga tao, “Tiyak na papatayin niya ang masasamang taong iyon, at pauupahan niya ang kanyang ubasan sa ibang magsasakang magbibigay sa kanya ng parte niya sa bawat panahon ng pamimitas.”

42Sinabi sa kanila ni Hesus, “Hindi ba ninyo nabasa ang sinasabi ng Kasulatan? ‘Ang batong tinanggihan ng mga tagapagtayo ng bahay ang siyang naging batong pundasyon. Gawa ito ng Panginoon at kahanga-hanga ito sa atin!’

43“Kaya tandaan ninyo: Ang kaharian ng Diyos ay kukunin sa inyo at ibibigay sa mga taong sumusunod sa kanyang kalooban. [

44Ang sinumang mahulog sa batong ito ay magkakabali-bali, at sinumang mahulugan nito ay madudurog.]”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.