39Kaya sinunggaban nila ito, dinala sa labas ng ubasan at pinatay.
40“Ano kaya sa palagay ninyo ang gagawin ng may-ari sa kanyang pagbabalik?”
41Sumagot ang mga tao, “Tiyak na papatayin niya ang masasamang taong iyon, at pauupahan niya ang kanyang ubasan sa ibang magsasakang magbibigay sa kanya ng parte niya sa bawat panahon ng pamimitas.”
42Sinabi sa kanila ni Hesus, “Hindi ba ninyo nabasa ang sinasabi ng Kasulatan? ‘Ang batong tinanggihan ng mga tagapagtayo ng bahay ang siyang naging batong pundasyon. Gawa ito ng Panginoon at kahanga-hanga ito sa atin!’
43“Kaya tandaan ninyo: Ang kaharian ng Diyos ay kukunin sa inyo at ibibigay sa mga taong sumusunod sa kanyang kalooban. [