Mateo 21

Kaya sinunggaban nila ito, dinala sa labas ng ubasan at pinatay.

Matthew 21:39 (UKJV) And they caught him, and cast him out of the vineyard, and slew him.

37Nang bandang huli, pinapunta ng may-ari ang kanyang anak. Ang akala niyaʼy igagalang nila ito.

38“Ngunit nang makita ng mga magsasaka ang anak ng may-ari, sinabi nila, ‘Narito na ang tagapagmana. Halikayo, patayin natin siya para mapasaatin ang lupang mamanahin niya.’

39Kaya sinunggaban nila ito, dinala sa labas ng ubasan at pinatay.

40“Ano kaya sa palagay ninyo ang gagawin ng may-ari sa kanyang pagbabalik?”

41Sumagot ang mga tao, “Tiyak na papatayin niya ang masasamang taong iyon, at pauupahan niya ang kanyang ubasan sa ibang magsasakang magbibigay sa kanya ng parte niya sa bawat panahon ng pamimitas.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.