Mateo 22

Tinanong sila ni Hesus, “Kaninong mukha at pangalan ang nakaukit sa pera?”

Matthew 22:20 (UKJV) And he says unto them, Whose is this image and superscription?

18Ngunit alam ni Hesus ang masama nilang balak, kaya sinabi niya, “Mga pakitang-tao! Bakit ninyo ako sinusubok?

19Patingin nga ng perang ipinambabayad ng buwis.” Iniabot nila sa kanya ang pera.

20Tinanong sila ni Hesus, “Kaninong mukha at pangalan ang nakaukit sa pera?”

21Sumagot sila, “Sa Emperador.” Kaya sinabi niya sa kanila, “Kung ganoon, ibigay ninyo sa Emperador ang sa Emperador, at sa Diyos ang sa Diyos.”

22Namangha sila nang marinig ang sagot ni Hesus, kaya iniwan nila siya.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.