Mateo 22

Sapagkat sa muling pagkabuhay hindi na mag-aasawa ang mga tao. Magiging tulad sila ng mga anghel sa langit.

Matthew 22:30 (UKJV) For in the resurrection they neither marry, nor are given in marriage, but are as the angels of God in heaven.

28Ngayon, sa araw ng muling pagkabuhay ng mga patay, sino po sa pito ang magiging asawa ng babaeng iyon dahil naging asawa niya silang lahat?”

29Sumagot si Hesus, “Maling-mali kayo, dahil hindi ninyo nauunawaan ang Kasulatan at ang kapangyarihan ng Diyos.

30Sapagkat sa muling pagkabuhay hindi na mag-aasawa ang mga tao. Magiging tulad sila ng mga anghel sa langit.

31Tungkol naman sa muling pagkabuhay, hindi ba ninyo nabasa sa Kasulatan ang sinabi ng Diyos sa inyo? Sinabi niya,

32‘Ako ang Diyos ni Abraham, Diyos ni Isaac, at Diyos ni Jacob.’ Hindi siya Diyos ng mga patay kundi ng mga buhay.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.