Mateo 22

‘Ako ang Diyos ni Abraham, Diyos ni Isaac, at Diyos ni Jacob.’ Hindi siya Diyos ng mga patay kundi ng mga buhay.”

Matthew 22:32 (UKJV) I am the God of Abraham, and the God of Isaac, and the God of Jacob? God is not the God of the dead, but of the living.

30Sapagkat sa muling pagkabuhay hindi na mag-aasawa ang mga tao. Magiging tulad sila ng mga anghel sa langit.

31Tungkol naman sa muling pagkabuhay, hindi ba ninyo nabasa sa Kasulatan ang sinabi ng Diyos sa inyo? Sinabi niya,

32‘Ako ang Diyos ni Abraham, Diyos ni Isaac, at Diyos ni Jacob.’ Hindi siya Diyos ng mga patay kundi ng mga buhay.”

33Nang marinig ito ng mga tao, namangha sila sa kanyang pagtuturo.

34Nang mabalitaan ng mga Pariseo na walang magawa ang mga Saduceo kay Hesus, nagtipon silang muli at lumapit sa kanya.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.